Ikaw

Ikaw na nag ligtas, Ikaw na nag mahal
Ikaw na nagsakripisyo at hindi napapagal

Saan ba tutungo?
Saan ba makakatagpo?
Tulad ng labis na pagmamahal Mo

Noong una puno ako ng pagdududa, akala’y hindi tapat
Noong una inakalang hindi sapat

Patuloy Mo akong niyakap, patuloy akong sinundan
Patuloy Ka lamang sa bawat daan kong puro pag-aalinlangan

Tuwing tutungo sa landas na akala’y tama
Tuwing pipiliing patayin mga damdaming dapat isuko
Ikaw ay patuloy lang, patuloy lang sa pagmahahal Mo

Pagmamahal na akala’y hindi karapat-dapat, akala’y sa iba matatagpuan
Ngunit ang pagmamahal Mo lang din ang babalikan

Sa bawat iyak, sa bawat tawa
Sa bawat panahong kasama Ka

Sino nga bang tatanggap, ang mag-aakala
Sino nga bang mag-tatiyaga
Ang puso kong binuo sa sariling sikap
Binasag, nawasak
Ang pag-iisip kong pinuno ng kaalaman
Ngunit hindi ng karunungan

Sa wakas, puso ko’y nabuksan
Noong wakas na akala ko’y katapusan
Ako’y Iyong muling natagpuan

Ito’y naging simula ng kagalakan, kapayapaan
Katahimikan at karunungan

Pagmamahal Mong bumuo sa akin noong ako’y muntik ng sumuko
Pagmamahal Mong sapat para lumabis sa aking puso

Ikaw na Maylikha, Ikaw
Ikaw ang mismong Pagmamahal

Ikaw!

 

Advertisements

2 thoughts on “Ikaw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s